Ang kursong ito ay maaaring gamitin ng mga estudyante ng unibersidad, mga propesyunal, at iba pa na gustong makapagsalita ng mahusay ng Ingles.
This course can be used by university students, professionals, and others who want to speak English well.
Ang mga araling ito ay makatutulong sa iyo na matutong magsalita ng Ingles sa maikling panahon. Kung ikaw ay magsasanay ng isa o dalawang oras bawat araw ng mga araling sa pinakikinggang mga nakarekord, ikaw ay makapagsasalita ng simpleng Ingles sa loob ng anim na buwan. Subalit, ang pag-aaral ng Ingles ay nangangailangan ng puspusang trabaho bawat araw.
These lessons will help you learn to speak English in a short period of time. If you practice one or two hours each day with the lessons on the audio recordings, you should be able to speak simple English within six months. However, learning English will require hard work each day.
Ang kursong ito ay maaaring gamitin ng kapwa nagsisimula at nakahihigit na mga estudyante sa Ingles. Ang mga aralin ay hindi masyadong kahirapan para sa mga nagsisimulang estudyante o hindi masyadong magaan para sa mga nakahihigit na estudyante. Puwede rin itong gamitin ng mga estudyante na gustong mag-aral ng walang tagapagturo. Subalit, matututo ka ng mas mabuting pagbigkas kung ikaw ay magsasanay sa loob ng dalawang oras bawat linggo ng may guro sa Ingles.
This course can be used by both beginning and advanced English students. The lessons are neither too difficult for a beginning student nor too easy for an advanced student. They can also be used by students who want to study without an instructor. However, you will learn better pronunciation if you practice for two hours each week with an English teacher.
May tatlong simpleng alituntunin na dapat sundin sa kursong ito ng Ingles:
There are three simple rules to follow in this English course:
Upang matuto ng tamang pagbigkas ng Ingles, kailangang bigkasin mo ito ng malakas.
Mahalaga na bigkasin mo ng malakas at maliwanag kapag ikaw ay nagsasanay sa mga araling nakarekord.
1. To learn to speak English correctly, you must speak it aloud.
It is important that you speak loudly and clearly when you are practicing with the recorded lessons.
Upang matuto ng pagsasalita ng Ingles ng mahusay, kailangang mag-isip ka sa Ingles.
Hindi ka “nag-iisip” sa Ingles kung binabasa mo ang iyong mga sagot. Matapos mong maunawaan ang bawat pagsasanay, napakahalaga na tumugon ka nang walang pagtingin sa nakaimprintang aralin. Ang pagpapagana ng iyong isipan upang isipin ang kasagutan ay mahalagang bahagi ng pag-aaral ng wika.
2. To learn to speak English fluently, you must think in English.
You are not "thinking" in English if you are reading your answers. Once you understand each exercise, it is very important that you respond without looking at the printed lesson. Making your mind work in order to think of the answer is an important part of learning a language.
Mas marami kang binibigkas ng malakas sa tamang Ingles, mas mabilis kang matututo sa pagsasalita ng mahusay.
Ang bawat aralin ay mahirap sa iyong pagsisimula. Subalit, habang ikaw ay nagsasanay, matututo kang magsalita ng tama. Kinakailangang magsanay ka hanggang sa maulit mo ang mga pagsasanay nang mahusay nang walang pagtingin sa nakaimprintang aralin. Palagiang sinasabi namain sa aming mga estudyante, “Matututo ka nang mahusay kung ang iyong mga tenga ay napapakinggan ang iyong bibig na nagsasalita ng tamang Ingles.
3. The more you speak correct English aloud, the more quickly you will learn to speak fluently.
Every lesson will be difficult when you start. However, as you practice, you will learn to speak correctly. You must practice until you can repeat the exercises fluently without looking at the printed lesson. We often tell our students, "You will learn best when your ears hear your mouth speaking correct English."
Upang magamit ang mga araling ito, kakailanganin mo kapwa
ang Acrobat Reader at Windows Media Player sa
iyong kompyuter.
Parehong maidadownloud na libre mula sa pahinang bahay sa
pamamagitan ng pag-klik sa Download
PDF Reader o Download Media Player.
(Subukang buksan ang mga aralaling Download
at
pakinggan ang tunog
bago mo i-download ang PDF
Reader o Media Player.
Kung ang aralin sa Download
ay hindi bumukas,
kailangan mo ang PDF Reader.
Kung walang tunog, kailangan mo ang Media
Player.)
1. To use these lessons, you will need both Acrobat Reader and Windows Media Player on your computer. Both can be downloaded free from the Home page by clicking on Download PDF Reader or Download Media Player. (Try opening a "Download"
lesson and playing the sound before you download either the PDF Reader or Media Player. If the "Download" lesson will not open, you need the PDF Reader. If there is no sound, you need the Media Player.)
I-klik mo ang Help na dumudugtong para sa paliwanag ng mga aykong ginamit sa mga aralin.
2. Click on the Help link for an explanation of the icons used in the lessons.
Kapag ikaw ay nagsimula sa bagong aralin, i-klik mo ang
Lesson Vocabulary aykon.
Iimprinta ang mga pahinang bukabularyo.
Pagkatapos ay pag-aralan ang bawat Ingles na bukabularyong
salita at isulat ang katuturan sa iyong wika.
Isulat ang bagong mga bukabularyong salita at mga eksprisyon
sa maliit na notbuk na madadala-dala mo.
Palagiang repasuhin sa araw.ang bukabularyo.
3. When you begin a new lesson, click on the Lesson Vocabulary icon. Print the vocabulary pages. Then study each English vocabulary word and write its meaning in your language. Write new vocabulary words and expressions in a small notebook that you can carry with you. Review vocabulary frequently during the day.
I-klik ang Lesson 1.
Kapag bumukas ang Lesson 1, i-klik ang
Media aykon. Ang
boses sa pinakikinggang rekording ay hihilingin sa iyo na
makinig sa halimbawa (“Listen to the example”).
Sunod, makakarinig ka ng halimbawa na mga estudyante na
tumutugon sa Ingles habang ginagamit nila ang rekording para
sa kanilang sariling pagsasanay sa Ingles.
Ang mga halimbawa sa unang dalawang aralin ay nagpapakita sa
iyo kung papaano tumugon habang ikaw ay nag-aaral.
Palagiang magsanay sa mga pagsasanay sa pamamagitan ng
pagsasalita ng malakas.
4. Click on Lesson 1. When Lesson 1 opens, click on the Media icon
. The voice on the audio recording will ask you to listen to the example ("Listen to the example"). Next, you will hear an example of students responding in English as they use the recording for their own English practice. The examples in the first two lessons show you how to respond as you study. Always practice the exercises by speaking out loud.
Kapag ikaw ay nagsimula ng bagong aralin, maaari mong basahin ang nakasulat na mga aralin habang inuulit mo ang mga pagsasanay sa napapakinggang rekording. Subalit, matapos mong maunawaan ang aralin, gawin ang binibigkas na mga aralin na hindi tumitingin sa nakasulat na mga pagsasanay. Sanayin ang bawat pagsasanay hanggang sa masabi mo nang tumpak sa pinakikinggan mong rekording ng walang pagtingin sa nakasulat na aralin.
5. When you begin a new lesson, you may read the written lesson as you repeat the exercises with the audio recording. However, after you understand the lesson, do the speaking exercises without looking at the written exercises. Practice each exercise until you can say it exactly as you hear it on the recording without looking at the written lesson.
Kung magagawa mo, sanayin ang mga pagsasanay sa paggamit ng napapakinggang rekording sa isa hanggang dalawang oras sa loob ng limang araw bawat linggo. (I-klik ang See More.) Magbibigay sa iyo ito ng 10 oras na sinasambit na wikang Ingles na pag-aaral bawat linggo. Ang iyong adhikain ay mahigit sa basta malaman ang mga bukabularyong salita at pag-uunawa ng katuturan ng pangungusap. Ang iyong adhikain ay upang mabigkas ang bawat pangungusap na napakahusay na ang sinumang taong nagsasalita ng Ingles ay madaling maunawaan ang iyong sinasabi.
6. If you are able to do so, practice the exercises using the audio recordings for one to two hours a day for five days each week. (Click on See More.) This will give you 10 hours of spoken English language study each week. Your purpose is much more than merely knowing the vocabulary words and understanding the meaning of the sentences. Your purpose is to be able speak each sentence so fluently that any English-speaking person can easily understand what you are saying.
Repasuhin ang mga pagsasanay mula sa nakaraang mga aralin isang beses isang lingo.
7. Review exercises from previous lessons once each week.
Mangyaring ilagay ang isang pinakikinggang tape rekorder
katabi ng iyong mga speakers ng iyong kompyuter upang komupya
ng kaset para sa iyong pangsariling gamit.
Para sa rekording at imprinta, gamitin ang bahaging AB ng bawat aralin mula sa pahinang
tahanan o sa seksiyon ng Download
mula sa pahina ng
aralin.
(Kung ang iyong kompyuter ay walang sapat ng memorya upang
mabuksan ang parehong dokumento ng sabay, gamitin ang
nag-uugnay na Lesson
Downloads sa pahinang tahanan at i-rekord o iimprinta
ang bawat dokumento ng hiwalay.
Puwede mong i-rekord ang A sa kalahati sa isang
bahagi ng 60-minutong kaset rekording na tape, at ang
B sa kalahating kabilang bahagi.
Ang kalating A ay laging mahaba kaysa sa kalahating
B kayat maaari mong baliktarin kaagad matapos ang
bahaging A ay natapos.
Maaari ka ring gumawa ng MP3 compact discs (CDs) mula sa
Lesson
Downloads na nag-uugnay sa pahinang tahanan.
8. You can place an audio tape recorder next to your computer speakers in order to make a tape cassette copy for your personal use. For recording and printing, use the AB part of each lesson from the Home page or the "Download"
section from a lesson page. (If your computer does not have enough memory to open both documents at once, use the Lesson Downloads link on the Home page and record or print each document separately.) You can record the A half on one side of a 60-minute cassette recording tape, and the B half on the other side. The A half is always longer than the B half so that you can turn the tape over immediately after the A part is finished. You can also make MP3 compact discs (CDs) from the Lesson Downloads link on the Home page.
Ang dahilan ng kursong ito ay upang turuan kang magsalita ng mahusay ng Ingles. Ang kursong ito ay gumagamit ng pangkaraniwang mga pangungusap na Ingles at nababagay para sa nagsisimula at nakahihigit na mga estudyante. Para sa nagsisimulang estudyante, ang pinakamainam na pamamaraan na matuto ng binibigkas na Ingles ay gumamit ng pangkaraniwang mga pangugnusap na ginagamit araw-araw sa usapan. Para sa mga nakahihigit na estudyante, ang pinakamainam na pamamaraan na maging mahusay sa Ingles ay gamitin ang mga parehong pangungusap hanggang ito ay masabi ng tama na may magandang pagbigkas. Kapwa ang nagsisimulang estudyante at nakahihigit na estudyante ay kinakailangang matuto ng pagbigkas ng parehong mga pangungusap sa Ingles ng mahusay. Kayat ang mga araling ito ay napakahalaga para sa patuloy na pag-aaral. Sa bawat pagkakataong repasuhin mo ang mga aralin, ikaw ay makakukuha ng mas magandang pagsasalita ng mahusay na Ingles.
The purpose of this course is to teach you to speak fluent English. This course uses normal English sentences and is suitable for both beginning and advanced students. For a beginning student, the best way to learn spoken English is to use normal sentences that are used every day in conversation. For an advanced student, the best way to become fluent in English is to use these same normal sentences until they can be said correctly with good pronunciation. The difference between a beginning student and an advanced student is not in which lesson they use, but is in how much time they must spend on each lesson. This is why these lessons are so valuable for continued study. Each time you review the lessons, you will gain greater English speaking fluency.
Ang mga araling ito ay makatutulong sa iyo na bumigkas ng mahusay na Ingles sa halos kalahati ng panahon sa mga kurso na nagtuturo na binibigkas na Ingles na may pagsusulat at gramatiko. Ito ay tutuo maging ikaw ay nagsisimula pa lamang o ikaw ay nakapag-aral ng Ingles ng maraming taon. Karamihan ng mga estudyante ay may malaking hirap sa pag-aaral na gamitin ang pandiwa sa Ingles ng tama. Matututo kang gumamit ng pandiwa sa Ingles ng tumpak sa mga araling ito.
These lessons will help you speak fluent English in almost half the time as courses that teach spoken English with writing and grammar. This is true whether you are just beginning or if you have studied English for many years. Most students have the greatest difficulty learning to use the English verb correctly. You will learn how to use the English verb accurately in these lessons.
Higit sa lahat, patuloy na repasuhin ang mga aralin hanggang sa maulit ang bawat pangungusap ng mahusay. Hindi mo pa natatapos ang kurso bagamat alam mo ang bukabularyo at nauunawaan ang mga pagsasanay. Hindi mo pa tunay na natatapos ang kurso hanggang nagagamit mo ang bawat pangungusap sa mahusay na pakikipag-usap.
Most of all, continue reviewing the lessons until you can repeat each sentence fluently. You have not yet finished the course even if you know the vocabulary and understand the exercises. You have not truly finished the course until you can use each sentence in fluent English conversation.
Saan ka man naroroon sa mundo, inaasahan naming ang iyong mahusay na tagumpay habang nag-aaral ka ng Ingles.
Wherever you are in the world, we wish you the best of success as you study English.
Ang
Paglalakbay ng Matalinong Mama: Isang Pabula para sa mga Mag-aaral ng
Ingles.
(The Journey of a Wise Man: A Fable
for English Learners)
Pagkakatuklas ng Isang Matalinong
Mama: Isang Pabula para sa mga Mag-aaral ng
Ingles
(A Wise Man's Discovery: A Fable
for English Learners)
Lesson Text information: www.ethnicharvest.org